Miyerkules, Pebrero 20, 2013

Jamby's IPad contest, sablay



Narito ang balita mula sa Inquirer ukol sa pag-sablay ni Jamby Madrigal dahil sa kanyang Facebook contest. Mula sa aming pananaw, muling ibinandila ni Jajajamby ang kanyang titulo bilang Sablay Queen.


Martes, Pebrero 12, 2013

Jamby Madrigal, Reyna ng Sablay


Kung mayroong isang palaisipan kung ano ang motibo maliban sa kagahamanan sa kapangyarihan kaya’t tumatakbo sa halalan ngayong Mayo, ito ay si Jamby Madrigal.

Hindi mo maisip o maipinta kung ano ang gustong gawain sa buhay niya.

Super-mayaman, may pinag-aralan, pero ano ang kanyang nais at gusto niyang maluklok muli sa Senado ngayong Mayo?

Kung titingnan kasi ang kanyang unang salang bilang senador masasabing mas maganda pa ang naging termino ni Sen. Lito Lapid, ang itinuturing na latak sa Senado, sa termino ni Madrigal.