Martes, Pebrero 12, 2013
Jamby Madrigal, Reyna ng Sablay
Kung mayroong isang palaisipan kung ano ang motibo maliban sa kagahamanan sa kapangyarihan kaya’t tumatakbo sa halalan ngayong Mayo, ito ay si Jamby Madrigal.
Hindi mo maisip o maipinta kung ano ang gustong gawain sa buhay niya.
Super-mayaman, may pinag-aralan, pero ano ang kanyang nais at gusto niyang maluklok muli sa Senado ngayong Mayo?
Kung titingnan kasi ang kanyang unang salang bilang senador masasabing mas maganda pa ang naging termino ni Sen. Lito Lapid, ang itinuturing na latak sa Senado, sa termino ni Madrigal.
Matapos ang anim na taong termino bilang senador noong 2004 hanggang 2010, tanging mga bills lamang ang naihain ni Jamby o kaya ay co-author sa mga bills na ibang senador ang nag-isip.
Kung baga, hindi seryoso sa kanyang trabaho bilang mambabatas. Nakikisakay lamang sa kapwa senador kaya’t walang kongkretong kontribusyon sa bansa bilang mambabatas.
Sa tingin ko ay nais lamang niyang maging senador upang masundan ang yapak ng kanyang mga ninuno na naging mambabatas din sa bansa. Para bang ang pagiging senador ay isang pamana na dapat sundan ng mga kapamilya.
May tawag dito - Political Dynasty.
Tandaan natin na ang tiyahani ni Jamby si Sen. Pacita Madrigal-Gonzalez noong panahon ni Quezon at Magsaysay. Lolo naman niya si Sen. Vicente Lopez Madrigal ng Ligao, Albay. Apo rin siya ni dating Supreme Court Justice Jose Abad Santos ng Pampanga.
Tulad ng karamihang kasapi ng mga Political Dynasty, political butterfly din itong Jamby. Palipat-lipat siya ng partido.
Sa una niyang pagtakbo, kumandidato siya bilang kasapi ng Partido Demokratikong Pilipino - Laban (PDP-Laban) ni Vice President Jejomar Binay. Sa kasalukuyan ay bahagi siya ng koalisyon ng Pamahalaang Aquino.
Huwag din nating kalimutang tumakbo si Jamby noong 2010 sa pagkapangulo at natalo.
Kahit saan mo tingnan ay “loser” itong si Jamby.
Pero kung mayroon mang maganda sa personalidad si Jamby ito ay ang pagiging malakas ang loob.
Malakas ang loob matalo, malakas ang loob “magbalatkayo” at malakas ang loob na kumandito kahit talo.
Hindi nakakapagtaka na tinanggap niya ang “endorsement” ng Makabayan Coalition, ang grupo ng mga partylist groups na kilalang front ng Communist Party of the Philippines - New People’s Army, dahil hindi naman niya naiintindihan ang kahulugan ng endorsement na ito.
Kaya’t sa darating na halalan, huwag magpaloko sa mga mapagbalatkayo.
Huwag ihalal si Jamby Madrigal.